so ayan wala pang pasok kaya gising pa ako

at dahil magkasama kami ng kapatid ko sa room ayun magdamag na daldalan ginawa namin.
napunta ang usapan sa PANGARAP namin

una kasi sabi ko, gusto ko magasawa ng 29yrs old tpos mgkakaanak ako ng 30 tpos pag 31 na ako 1 year old na din anak ko haha super detailed

e kasi naman syempre kasali pa dun yung pag aaral ng bunso namin na kaptid na pag 30 years old na ako dun pa lang siya matatapos ng college. ay naku ang tagal pa kaya nun kaya bawal pa mag asawa haha tama?:P
hanggang humirit naman tong kapatid ko na tutulungan lahat ng kamag-anak namin kasi mayaman na daw kami nun HAHA
at ganito ang kwento:
ang papa daw namin bibilahan daw namin ng lahat ng barko at ang philippine sea - kasi seaman daw
si mama naman daw bibilhan namin ng lahat ng garden - kasi mahilig mag tanim
si tita naman daw bibilhan namin ng netopia - kasi mahilig mag FARMVILLE
si tito mel naman daw bibilhan namin lahat ng expressway - kasi nagtatrabaho yun sa expressway
at si ate hazel naman bibilhan namin ng lahat ng foreigners haha - mahilig kasi maki pag chat sa foreigner eh.

HAHA yan lang ang ilan sa aming mga pangarap.
meron pa nga na papaaralin namin yung kaptid namin sa HARVARD pati yung pinsan namin sa PRINCETON
at hindi lang yun pati lahat ng mga kamag-anak namin gusto mag-aral
take note magiging PRESIDENTE daw yung kapatid ko ng PILIPINAS at ako daw VICE-PRESIDENT niya HAHA
kung iisipin ang taas naman ng pangarap namin noh?
sabi ko nga kanina kung nakikinig lang si PAPA JESUS baka sabihin niya ayaw na niya tuparin pangarap namin kasi puro kalokohan.

pero kung iintindihin lang naman mabuti yung pangarap namin gusto lang naman namin magkaroon ng MAGANDANG TRABAHO at SWELDO pagkatapos namin magaral.
maging ABOGADO siguro ako at DOCTOR naman yung kapatid ko na si Gelie.
tapos bigyan ng magandang buhay ang pamilya namin at mahal sa buhay pag tumanda sila. at syempre tuparin ang pangako namin sa magulang namin na pagtataposin namin ng pag-aaral ang bunso namin na si Rj na 8yrs. old pa lang ngayon.
at siguro pag maraming biyaya kaming matanggap ay gusto talaga namin tulungan ang mga kamag-anak namin na nangangailangan pati na rin ang mga ibang tao.
gusto talaga namin magpatayo ng SIMBAHAN.
magkaroon ng FOUNDATION para sa mga bata na gusto magaral
at pati na rin siguro ng OSPITAL.
ewan ko ba kung mangyayari ng lahat ng to. kung hindi man ganito kagarbo sana malapit na din sa ganito

dito sa BLOG na to magsisimula ang aaming mga PANGARAP.
at sa susunod na panahon pag nangyari na ang mga yon. babalik ako sa blog na ito para basahin ko kung saan kami nagsimula at kung gaano na kalayo ang aming narating

ito kami.
si gelie, si mama. ako at ang nasa gitna ay si rj
sayang syempre kulang kami wala ang papa at daddy ko :|
si gelie at daddy :)
aw. sayang wala ako mahanap na picture ng papa ko.
If you like this cute emoticons you can get it at MYEM0.com
No comments:
Post a Comment
Say Anything