Wednesday, May 26, 2010

Alaala

Nakakatuwang alalahanin ang nakaraan lalo na ang mga taong nakilala na natin dati o minsan ay naging parte ng buhay natin kahit sandali lang, kanina nga sa Facebook tinitingnan ko yung mga tao na naging kaklase ko nung nsa elementary ako.

Parang ang tagal na nun at ang dami ng nangyari at nagbago. Kung tutuosin hindi pa naman ako ganun katanda at ilan taon lang naman ang lumipas.

Ang dami na nagbago ang mga dating magkaaway nun magkaibigan ngayon. Ang mga bata noon, Magulang na ngayon.

Tama! Magulang na sila. Ang dami kong kaklase noon na may mga anak na ngayon nakakagulat lang.

At ang nakakalungkot ay ang mga taong naging malapit sayo noon pero ngayon wala na parang hindi na kayo naging magkaibigan. Totoong napaka importante ng ating mga alaala dahil kahit lahat ay nagbago na ang ating mga alaala tungkol sa mga bagay bagay ay hindi pa rin nawawala o nagbabago.

At dahil nga sa ating alaala ay mga bagay na tayo na gusto itago at patuloy pa din ito sariwain. Dahil naging masaya tayo dito.

Gaya na lamang ng paghanap ko sa kaibigan ko noong bata pa ako. At nahanap ko naman siya at sa Facebook din. Maganda din ang nagagawa ng mga Social Networking na ito sa atin. Pinaglalapit nito ang mga tao na magkalayo.

May mga alaala din na talagang gusto natin kalimutan. At yun ay ang mga pangyayari na nakasakit sa atin. At kanina din sa Facebook nakita ko ang mga taong naging parte ng buhay ko talagang ayoko na isipin.

Masasabi ko lang sila yung mga taong nagkasala hindi lang sa akin pati sa pamilya ko. Kung pwede lang balikan ang nakaraan ay sana hindi na lang namin sila nakilala.

Dahil sa buhay, kahit gaano kadali sabihin na "let's forgive and forget" ay ganon naman ito kahirap gawin. Dahil may mga kasalanan na talagang mahirap kalimutan at dahil siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naaayos.

No comments:

Post a Comment

Say Anything